Nung high school kami ni Geeson, halos parehas kami ng mga gusto sa isang babae. The only problem is, the girls she used to admire, admires him also. Unlike me. Sabi ko, ano naman kaya ang meron ito na wala ako. Mas matalino ako, Mas gwapo naman ako, mas popyular naman ako. Pero iba talaga ang karisma ng kaibigan kong ito.
Izon ang spelling ng nickname nya dati, sabi ko ang pangit, palitan natin ng Yson. Magmula nun, Yson na ang spelling ng pangalan nya.
Naalala ko nung high school, Si SHADEN ang unang crush ni Yson. Nagandahan kasi si Yson kay Shaden nung prom. Humingi sya ng tulong kay LESNEY na ilakad sya, pero ang nangyari Si Lesney at Si Shaden ang naging mag syota.
Naalala ko nung high school, ang unang una nyang niligawan ay si CRISTAL, siguro dahil sa panunulsol narin ng kaibigan naming si KENO. Sabi ni Cristal hindi naman talaga mahirap mahalin si Yson, kasi masaya daw syang kasama, kaya lang hindi pa daw handa si Cristal. Ngayon si Cristal ay girlfriend ngayon ng kanyang kapatid at may anak silang AMBER ang pangalan.
Naalala ko nung highschool, May isa akong crush, at talagang gusto ko ligawan, itago natin sa pangalang SKY pero nung ako ay napromote sa star section aba biglang naging close itong si babae kay lalaki. sa sobrang close nila ng babae naalala ko pa na ang opening message sa cellphone ni Sky ay "NOSY" na nakasulat sa hindi maintindihan na lingwahe pero alam ko na si NOSY ito. Nabansagan pa nga sya ni JOHN PAUL na the most scoring machine dahil sa pananantsing niti.Nagdrama ako. sa sobrang galit ko kunwari hindi ko pinansin si babae at si lalaki. hindi nila ako parehas natiis. Si Sky, pinalitan ang opening message nya ng "Back to Don"., at si Yson, kahit siguro ay gusto pa rin yung babae, hindi na itinuloy ang panliligaw. syempre masaya ako! :) at nangako kami na wala ng ligawan sa barkada. Ngayon si babae, kinasal na sa dating naming kaschool mate na si RYAN at isa na syang Mrs. del Rosario..
Nung kami ni Yson ay nag college, Parehas na sa Baguio kami nag aral. Umiba ang itsura nya, medyo umayos. at naging chickboy. Una nyang naging girlfriend sa college si WINNILYN. Dahil din kay Winnilyn, ay nasapak sya ng Ex nya na si MARWIN. Galit na galit si Yson kasi hindi sya nakabawi. at sigurado ako hanggang ngayon ay masakit parin ang loob ni yson na hindi nakabawi.
Nung ako ay huminto sa pag aaral dahil ako ay pupunta sana ng ITALY, inamin nya na pinagdasal daw nya na hindi ako matuloy kasi wala na raw silang tatambayan. Bwisit ka sabi ko, pero di ko pa rin naman magawang magalit.
Bumalik ako sa College kasi sabi nya "habang nagaantay ka pa lang naman eh mag aral ka muna". Sabi ko "o sige pero ayaw ko na ng Nursing, mag dedentistry na lang ako, samahan mo ko sa UB". Pumila kami matagal sa registration ng College of Dentistry. At nung ako na ang mag eenrol sinabi nya sa kin na " sayang naman pero bro yung Nursing naumpisahan mo na, tapusin mo nalang".. ayun naenrol ako sa nursing uli ng UB.
Sa College naging mas close kami ni Yson. at mas naging close sila ni LUDIFE. sa sobrang naging close sila, naging Sila. tinago nilang parehas sa akin yun. Naalala ko pa nung may mga sleep over nun, gumigitna ako sa kanilang dalawa dahil nakakahalata na ako. Nalaman ko lang na naging sila dahil minsan nagpunta ako sa bahay nila Yson, wala si yson dun ang nandoon ay si DAN. kinausap ko si Dan. ang sabi nya "gago nga si yson alam naman nya yung feelings ko kay Ludife". Ayun naconfirm ko. Galit na galit ako kay Yson, ang dami kong tinext sa kanya, pati kay Ludife din. Kesyo "Diba may promise tayo na wala ng magliligawan sa barkada?" Hindi ko talaga sila pinansin, sa sobrang inis ko tinext ko si tita MARIFE, naalala ko kasi kapag nalaman nya na may bf na si Ludife, pabababain sya ng Pangasinan. Pinagalitan ata ni tita si Ludife kaya galit na rin sa akin si Ludife. Halos dalawang taon din ata kami hindi nagusap ni Ludife. Kami ni Yson, naging magkaibigan pa din kami. Alam ko masama ang loob sa akin ni Yson noon, pero hindi nya pinakita. Naging magkaibigan pa rin kami. at kinalimutan ang nararamdaman kay Ludife. Ngayon si Ludife ay girlfriend naman ng isa pa naming kaibigan na si Jeoffrey Zulueta,.
Hanggang sa tumanda na ng tumanda at nanaba ng nanaba si Yson... At ngayon ikakasal na siya!!..
Pare, Maraming Salamat sa lahat., Alam ko ako ang dahilan halos ng paninira ng LOVELIFE mo nun. pero sa sobrang bait mo hindi mo nagawang magalit sa kin. Salamat din at kung hindi mo ko pinilit mag Nursing uli hindi ko makikilala si Hazel. ikakasal ka na. Ito, sa lahat, ang celebration na ayaw ko sana mamiss----yung bachelor party. hahahaha joke lang. God bless Pare. Maswerteng maswerte si Sarah Sayo. wala ng hahanapin pa!:)
Sarah Jane may sarili akong Blog para sayo kaya wala ka dito :))
sino po yung yson?
ReplyDelete